4 sa 7 bagong senador dumalo sa senate orientation

Dumalo ang apat sa pitong uupong bagong senador sa 18th Congress sa orientation briefing para sa mga proseso sa Senado.

Ang apat ay sina Senators-elect Bong Go, Imee Marcos, Bato dela Rosa at Francis Tolentino.

Kasama din nila ang kani-kanilang magiging senate staff.

Hindi nakadalo sina Senators-elect Bong Revilla, Lito Lapid at Pia Cayetano, na pawang nagsilbi na rin bilang mga senador noon.

Sinabi ni Go na para siyang pumapasok sa eskuwelahan.

Ilan sa mga nagpaliwanag sa mga proseso sa senado ay ang mga kinatawan muka sa Offices of the Senate Secretary, Sergeant at Arms, External Affairs, Legislation, Administration and Finance, Gender and Development at Bids and Awards Committee.

Read more...