Alyas Bikoy wala na sa custody ng PNP-CIDG

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na wala na sa kostodiya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si alyas Bikoy o Peter Joemel Advincula.

Ayon kay PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac, nai-release na sa PNP custody si Advincula dalawang linggo na ang nakararaan.

Ito ay makaraang makapagsumite na si Advincula ng kaniyang written affidavit sa kaniyang mga ibinunyag tungkol sa “Ang Totoong Narcolist Video” na umano ay pakana aniya nina Senator Antonio Trillanes IV.

Sa ngayon sinabi ni Banac na patuloy ang validation ng PNP sa mga pahayag ni Advincula.

Si Advincula ay isinailalim sa protective custody ng PNP matapos ang mga inilahad niya habang nasa Camp Crame.

Read more...