K-Pop group na BTS may mobile game na

Nasa mobile game na rin ang sikat na Korean boy band na BTS.

Nakatakdang ilabas sa Google Play at App store ang “BTS World” na nilikha ng Netmarble Corp.

Sa nasabing mobile game, pwedeng balikan ang mga nakaraan ng BTS, pwede ring bigyan ng ibang trabaho ang bawat BTS member gaya ng pagiging strawberry farmer o Taekwondo champion.

Meron ding “dress BTS up” feature, kung saan ang gamer ay pwedeng mabihisan ang BTS member.

Mayroong 10,000 bagong larawan at 100 video clips ng BTS sa mobile app.

Ayon sa South Korean mobile gaming company na Netmarble, ibinase nila sa panayam sa mga miyembro ng BTS ang mga inilagay na feature sa laro.

Read more...