P68M halaga ng shabu nasabat sa Batangas

Nakumpiska ang mahigit P68 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Lipa City, Batangas Lunes ng hapon.

Ayon sa Batangas police, nakuha ang sampung bag ng shabu na may bigat na 10 kilo sa bahay ng suspek na si Eugene Fernandez.

Isinilid pa ang mga kontrabando sa mga tea packs.

Sa bisa ng search warrant, naaresto si Fernandez sa ikinasang operasyon ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) pasado 1:00 ng hapon.

Maliban sa mga ilegal na droga, nakuha rin ng mga otoridad mula sa suspek ang caliber 45 pistol kasama ang magazine na kargado ng walong bala, pinatuyong dahon ng marijuana, dalawang fully-grown marijuana plant na nasa paso at isang digital weighing scale.

Read more...