PAGASA: LPA posible pa ring maging bagyo sa loob ng 48 oras

Nananatili ang posibilidad na maging ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa Silangan ng bansa.

Sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 580 kilometro Silangan ng Tuguegarao, Cagayan.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Ezra Bulquerin, posibleng maging bagyo na ang LPA sa loob ng 48 oras.

Sa ngayon, apektado ng southwest monsoon o Habagat ang western sections ng bansa.

Makararanas ng maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dahil sa Habagat ang Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA at buong Visayas.

Sa nalalabing bahagi naman ng bansa ay maalinsangan ang panahon maliban na lamang sa mga pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.

 

Read more...