PAL tinanggap na ang retirement ni Bautista

Inanunsyo ng Philippine Airlines na tinanggap na ng kanilang board of directors ang retirement ng presidente at chief operating officer nila na si Jaime Bautista.

Sa isang pahayag, sinabi ng flag carrier na epektibo ang retirement ni Bautista sa June 30, 2019.

Una nang inanunsyo ng airline noong nakaraan linggo na ang anak na babae ni Lucio Tan na si Vivienne ang papalit sa pwesto ni Bautista.

Kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan si Vivienne kay Bautista para sa maayos na transition.

Si Vivienne ay ang executive vice president ng PAL.

 

Read more...