Duterte kailangan ng panahon para makapili ng ieendorso sa pagka-House Speaker

Credit: Darryl John Esguerra, Inquirer.net

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan niya ng mas mahabang oras para makapagdesisyon kung sino ang ieendorso para sa pagka-House Speaker.

Sa panayam ng media sa premiere ng pelikulang ‘Kontradiksyon’ sa SM Megamall, Lunes ng gabi, sinabi ng pangulo na kababalik niya lamang mula sa Bangkok.

Nagpatong-patong anya ang kanyang trabaho kaya hindi pa muna siya makapagdesisyon sa kanyang ieendorso.

Giit ng pangulo, marami siyang papeles na kailangang pirmahan.

Kung may pagkakataon anya na siya ay makapag-isip, magdedesisyon na siya sa kailangang gawin.

Dumalo ang presidente sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Bangkok, Thailand.

“House Speaker… Look I just came from Bangkok. Nagpatong ang trabaho ko. I have to go home because I have to work. “I have so many papers to sign. Maybe when I sit for a — in the bathroom and begin to ponder, I might decide on what to do,” ani Duterte.

Samantala, nakasalamuha ni Duterte ang ilan sa mga nag-aagawan sa House Speakership sa thanksgiving party ng Hugpong ng Pagbabago Lunes ng gabi.

Present sa event sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, Leyte Rep. Elect Martin Romualdez at Taguig Pateros Rep. Elect Alan Peter Cayetano.

 

E

Read more...