Sinasabing ibabasura ni NBA Finals MVP Kawhi Leonard ang opsyon nito sa Toronto Raptors pero seryoso nitong ikinukunsidera ang pagbabalik sa nagkampeon na koponan.
Ayon sa Yahoo Sports, nakatakdang ayawan ni Leonard ang $21.3 million option na magiging huling taon nito sa limang taong $94.3 million deal na pinirmahan nito sa San Antonio Spurs na nag-trade sa kanya sa Toronto noong nakaraang summer.
Si Leonard ay mayroong hanggang June 29 na kanyang 28th birthday para piliin na umalis sa Toronto.
Nabalita na interesado si Leonard na pumunta sa L.A. Clippers at New York Knicks kapag naging free agent na ito.
Ang Raptors lamang ang tanging team na pwedeng mag-alok kay Leonard na maximum deal na limang taon at $190 million, nasa $15 million na mas mataas sa deal na pwede nitong makuha sa ibang team.
Si Leonard na may career-high average na 26.6 points noong nakaraang season at gumawa ng kabuuang score na 732 points sa post season ay pangatlo sa most all time player.
Nakuha nito ang ikalawang Finals MVP matapos makuha ang NBA title kontra Warriors.