Ang Wattah! Wattah! ay ang selebrasyon ng lungsod sa Kapistahan ni San Juan Bautista.
Ayon kay Eastern Police District officer-in-charge Col. Florendo Quibuyen, walang natanggap na anumang ulat tungkol sa untoward incident ang kanilang tactical operations sa loob ng anim na oras na basaan.
Isang kaso ng pagnanakaw lang anya ang naitala sa kasagsagan ng selebrasyon.
Umabot sa 200 pulis ang ipinakalat sa Pinaglabanan Shrine kung saan ginanap ang basaan.
Nagpatupad din ng liquor ban sa buong lungsod.
Ngayong taon, dahil sa krisis sa tubig ay may water conservation campaign ang San Juan at gumamit lamang ng 16 na fire trucks sa festival, mas mababa sa 50 fire trucks noong 2018.