Sunog sa residential area sa Caloocan, nasa Task Force Alpha na

Screengrab of KP Azur video

(UPDATE) Tinupok ng apoy ang isang residential area sa DM Compound Brgy. 73, Caloocan City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot sa Task Force Alpha ang sunog bandang alas-3:07 ng umaga.

Sa videos na ibinahagi ni KP Azur sa Radyo INQUIRER, makikita ang paglagablab ng apoy.

Nahirapan ang mga bumbero na agad mapasok ang lugar dahil sa kitid ng mga daan.

Alas 5:18 ng umaga nang ideklarang under control na ang sunog.

Read more...