Donasyon ni Del Rosario sa 22 mangingisdang Pinoy, ibabalik ng DFA

Nagpahayag si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na kailangan niyang ibalik ang kalahating milyong pisong donasyon na ibinigay ni dating DFA Secretary Albert Del Rosario.

Ang nasabing donasyon ay para sana sa 22 mangingisdang sangkot sa naganap na banggaan sa pagitan F/B Gem-Vir 1 ng Pilipinas at isang Chinese Fishing Vessel noong June 9.

Ayon kay Locsin, hindi maaaring gastusin ang naturang donasyon kaya isasauli ang tseke o maaaring ibigay sa National Treasury.

Dagdag pa niya, hindi ito maaaring ilipat sa ibang ahensya ng gobyerno dahil isa itong malversation.

Noong June ay kinumpirma ni Del Rosario sa isang text message na nagbigay siya ng donasyon sa ahensya noong June 19.

 

Read more...