(UPDATE) Naranasan ang malakas na pag-ulan sa Metro Manila at mga katabing lalawigan mula kaninang hatinggabi.
Sa thunderstorm advisory na inilabas ng Pagasa alas-12:14 kanina, naranasan ang heavy to intense rainshowers na may pagkulog at pagkidlat sa Metro Manila (partikular sa Quezon City, Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela), Bataan (partikular sa Morong, Bagac, Limay), Rizal (Rodriguez), Quezon (Jomalig), at lalawigan ng Bulacan.
Tumagal ang napakalakas na pag-ulan sa loob ng isa hanggang dalawang oras.
Heavy rainshowers naman na may pagkulog at pagkidlat ang naranasan sa Zambales, Pampanga, Nueva Ecija, Cavite at Laguna.
Pinag-iingat ang lahat sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Samantala, ilang bahagi ng Metro Manila ang binaha dahil sa mga pag-ulan.
Sa Barangay Roxas District sa Quezon City, abot-tao ang pagbaha habang napaulat ding binaha ang España boulevard at ang ilang bahagi ng Brgy. La Paz, Makati.