M3.0 na lindol naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-12:33 ng madaling araw ng Martes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 44 kilometro Timog-Silangan ng Jose Abad Santos.

May lalim ang pagyanig na 185 kilometro at tectonic ang dahilan.

Wala namang naitalang pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...