Ayon kay Biazon, malinaw na ang digmaan sa pinag-aagawang teritoryo ay hindi sa pamamagitan ng paggamit ng nuclear weapons o military invasion.
Maaari aniyang manalo ang Pilipinas dahil ang isyu ay pinaglalabanan sa pulitikal at diplomatikong paraan.
Batay sa ruling ng Permanent Court of Arbitration ay napagwagian ng bansa ang sovereign rights sa West Philippine Sea at ang historical claim ng China na 9-dash line na sumasakop sa 90 percent ng karagatan ay walang legal na basehan sa international law.
Samantala, pinuna naman ng Bayan Muna ang pinasok na Joint Marine Seismic Undertaking ng Pilipinas at China noong 2005 at iginiit na niloko ang gobyerno dahil tuso at hindi mapagkakatiwalaan ang mga Tsino.
Nagawa umanong madiskubre ng China ang lokasyon ng mayamang marine resources sa lugar dahil sa information gathering na pinapayagan sa JMSU ngunit hindi man lang ibinahagi sa Pilipinas.
Dahil dito, sinisi ng grupo ang administrasyong Arroyo dahil matapos hindi i-renew ang kasunduan noong 2008 ay nanahimik lamang ito sa kabila ng pagiging agresibo ng China na pakinabangan ang resources.