Ito ay kasabay ng selebrasyon ng International Day of the Seafarer.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, magkakaroon ng libreng sakay sa mga seafarer mula 5:30 ng umaga hanggang matapos ang operasyon ng tren bandang 10:30 ng gabi.
Sinabi naman ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na may libreng biyahe ang mga seafarers mula 7:00 umaga hanggang 9:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.
Kinakailangan lang magprisinta ng mga seafarer ng kanilang Seafarer’s Identification and Record Book (SIRB) o Profession Regulation Commission (PRC) ID sa mga ticket booth o security guard sa mga istasyon.
Ipinagdiriwang ang International Day of the Seafarer tuwing June 25 base na itinakda ng International Maritime Organization (IMO) noong 2010 para bigyang-pagkilala ang mga kontribusyon ng mga marino.