‘Build, Build, Build’ program ipiprisinta sa forum sa Luxembourg

Naghahanda na ang mga opisyal ng administrasyong Duterte sa nakatakdang pag-prisinta ng “Build, Build, Build” program sa ikaapat na annual meeting ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).

Isasagawa ang 2019 AIIB meeting sa Luxembourg sa July 12 hanggang 13, 2019.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na isang bansa sa labas ng Asya ang mangunguna sa Asian Infrastructure Forum (AIF).

Magsisilbi ang forum bilang koneksyon at para mapabuti ang “project pipelines.”

Ayon sa AIIB, maliban sa Pilipinas, dadalo rin sa forum ang ilang delegado mula sa Bangladesh at Uzbekistan para iprisinta ang investment opportunities sa kanilang bansa.

Tampok din sa forum ang ilang workshop ukol sa private equity investments, pagpopondo sa energy projects at mga polisiya ng AIIB.

 

Read more...