Duterte nag-sorry sa 22 mangingisdang Pinoy sa insidente sa Recto Bank

Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa 22 mangingisda na ang bangka ay binangga ng Chinese fishing vessel sa Recto Bank.

Pahayag ito ng Pangulo kung inaakala ng mga mangingisda na kanyang minamaliit ang insidente sa Recto Bank.

Ayon sa Pangulo, sorry na lamang ang mga mangingisda pero talagang isang maritime incident ang nanyari sa Recto Bank.

Maliit na bagay aniya ang insidente dahil wala namang naganap na komprontasyon at wala ring madugong insidente.

Kung gusto man aniya ng mga mangingisda na gumanti ang Pilipinas, sinabi ng Pangulo na sorry na lang dahil hindi maaari ang ganoong istratehiya.

Hindi aniya sapat na rason ang military exercise dahil magreresulta lamang ito ng giyera.

Batid aniya ng mga mangingisda na ang Recto Bank ay parehong inaangkin ng China at Pilipinas.

Para sa Pilipinas, pag-aari ng bansa ang Recto Bank habang ang paniwala naman ng China ay sa kanila ang naturang lugar.

Dagdag ng Pangulo, mayroon kasing dalawang “conflicting claims of ownership” ang Pilipinas at China.

Read more...