Duterte nagtalaga ng bagong PCSO General Manager

Photo by Junjie Mendoza / Inquirer Visayas

May napili na si Pangulong Rodrigo Duterte na bagong General Manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito ay sa katauhan ni Police Colonel Royina Garma.

Sa panayam sa media sa Megamall sa Mandaluyong City kasabay ng premiere ng pelikulang “Kontradiksyon,” sinabi ng Pangulo na si Garma ang papalit sa pwesto ni dating PCSO General Manager Alexander Balutan.

Si Garma ang kasalukuyang director ng Cebu City Police Office.

Ayon sa Pangulo, Ilocana si Garma at taga Cagayan Valley.

Una nang nagbitiw sa pwesto si Balutan dahil sa alegasyon ng korupsyon.

Read more...