Angkas drivers dadaan sa training PNP-HPG

Inquirer file photo

Tuloy ang pagsailalim ng mga drayber ng motorcycle ride-hailing service na Angkas sa mandatory training, ayon sa Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG).

Ani Brig. Gen. Roberto Fajardo, director ng PNP-HPG, mas makabubuti ang training para sa kaligtasan ng mga drayber at pasahero.

Aniya pa, ang mga Angkas driver ang magsisilbing halimbawa ng disiplinadong motorista.

Matatandaang inaprubahan ng Department of Transportation (DOTr) ang pilot operation ng mga motorcycle taxi sa Metro Manila at Cebu sa loob ng anim na buwan.

Read more...