Pursigido ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa digitalization ng government-owned TV station na PTV 4.
Sinabi ni PCOO Secretary Martin Andanar na gagayahin ng PTV 4 ang Thailand kung saan digitalized na ang kanilang TV station.
Ayon kay Andanar, nais niyang maabot ng PTV 4 ang mga malalayong lalawigan para mabatid ng taong bayan kung anong mga programa ang ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte para maiangat ang pamumuhay ng bawat Filipino.
Hindi maikakaila ayon kay Andanar na isa ang Thailand sa may pinakamagandang digital advancement sa telebisyon.
Kasama si Andanar ni Pangulong Duterte na dumalo sa katatapos na 34th Asean summit sa Bangkok, Thailand.
MOST READ
LATEST STORIES