Pinatitingnan ng isang political analyst ang attendance sa Kamara ng mga nais maging house speaker sa 18th Congress.
Ayon kay University of the Philippines professor at political analyst Ranjit Rye dapat tingnan ang work ethics ng isang magiging house speaker dahil dito pa lamang ay makikita kung magtatagumpay ang 18th Congress.
Para kay Rye may masasabi na agad sa personalidad ng isang potensyal na lider sa pagsilip pa lamang sa naging attendance nito.
Sinabi nito na huwag munang tingnan ang dami ng batas na ipinanukala isang mambabatas bagkus ang attendance ang dapat tingnan dahil kung pala-absent tiyak anya na bagsak din ang performance.
Iginiit ni Rye na sa kanyang pagkakakaalam ay laging wala sa sesyon si Velasco na kinumpirma din ng isang mambabatas na tumangging magpabanggit ng pangalan at aniya isa sa dahilan kung bakit hindi pamilyar sa ilang mambabatas si Velasco ay dala na rin ng hindi ito madalas na nakikita sa plenary hall.
Batay sa 16th Congress Attendance na nakapaskil sa website ng Kamara ay dalawa lamang ang attendance ni Velasco sa Third Regular Session ng 16th Congress.
Maliban kay Velasco ilan pa sa kandidato sa house speakership sina dating House Speaker Pantaleon Alvarez, Leyte Rep-elect Martin Romualdez, Taguig Rep-elect Allan Peter Cayetano at Pampanga Rep Dong Gonzales.