Ilang bahagi ng Metro Manila, mga kalapit na lalawigan maagang inulan

Nakararanas ng malakas na pag-ulan ang ilang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa thunderstorm advisory na ipinalabas ng PAGASA, alas 9:12 ng umaga malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa Zambales, Bataan, Pampanga, Quezon at Rizal.

Nararanasan din ang malalakas na pag-ulan sa Quezon City, Navotas, Malabon, Caloocan at Valenzuela; gayundin sa Obando, Bulakan, Marilao, Bocaue, Santa Maria, Bustos, at Baliuag sa Bulacan.

Bunsod naman ng pagbuhos ng ulan sa Quezon City nagpalabas ng flood alert ng MMDA sa bahagi ng Balintawak.

Ayon sa MMDA, alas 10:19 ng umaga at mayroon nang gutter deep na na tubig-baha sa Balintawak Cloverleaf patungo sa A. Bonifacio Southbound.

Read more...