8 estudyante sugatan nang gumuho ang covered court ng isang paaralan sa Zamboanga City

Sugatan angwalong mag-aaral makaraang gumuho ang covered court sa isang paaralan sa Zamboanga City.

Nangyari ang insidente, Lunes (June 24) ng umaga sa loob ng Sinubong National High School.

Sa ulat ng Inquirer Mindanao, ang covered court ay ginagamit bilang pansamantala classroom ng mga estudyante.

Pawang high school students ang siyam na nasugatan na agad dinala sa ospital.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Sa mga larawan, kitang bumagsak ang bubungan ng covered court.

Read more...