Pagpapalakas sa maritime security inihirit ni Pangulong Duterte sa BIMP-EAGA

Presidential photo
maapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area na palakasin pa at palalamin pa ang kooperasyon para sa maritime security.

Sa plenary intervention ni Pangulong Duterte sa 13th BIMP-EAGA Summit sa Bangkok Thailand, sinabi nito na ito ay para malabanan ang banta ng terorismo at ilegal na droga.

Nangako ang pangulo na paiigtingin pa ng Pilipinas ang pagbabantay sa mga border ng bansa para masiguro ang kaligtasan ng mamamayan.

Kasabay nito, sinabi ng pangulo na matindi ang pangangailangan ngayon para palakasin ang linkages ng mga bansa para sa mobility ng tao at kalakalan.

Kinakailangan aniya na mabigyan ng malakas na policy support ang mga airline companies para mapalakas ang commercial operations at mapalakas ang ekonomiya ng rehiyon.

Read more...