5 arestado sa buy-bust sa Tanauan City

Arestado ang limang katao sa magkahiwalay na anti-illegal drug operations na isinagawa ng Tanuan City Police Station.

Unang naaresto sina Jhelanie Mawak at Maricel Guazon matapos mahulihan ng limang piraso ng maliit na plastic sachet Brgy Pob 6, Tanauan City.

Arestado rin si Reden Garcia, Hilbert Arandia at Nicanor Guarin sa Brgy Pob 6, Tanauan City matapos mahulihan ng limang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu at P7,000 na ginamit na buy-bust money.

Ang lima ay dinakip matapos magpositibo ang magkasunod na buy-bust operation ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga suspek.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang limang suspek.

Read more...