Water Level sa Angat dam nasa 159.09 meters na lang

Muling bumaba ang water level ng Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.

Alas 6:00 ng umaga ng Lunes, June 24, nasa 159.09 meters ang water level ng Angat. Mas mababa kumpara sa 159.43 meters na water level nito, Linggo (June 23) ng umaga.

Ang La Mesa dam naman ay nasa 68.66 meters ang water level.

Nadagdagan din ang antas ng tubig sa Ipo, Ambuklao, Binga, at Caliraya.

Habang nabawasan naman ang water level ng San Roque, Pantabangan at Magat dam.

Read more...