Barangay kagawad patay sa pananambang sa Masbate

Patay ang isang kagawad ng barangay sa Masbate makaraan itong tambangan sa kasagsagan ng kapistahan.

Ayon kay Police Maj. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol Regional Police Office, ang biktima ay nakilalang si Domingo Barotil, 47 anyos.

Siya ay kagawad ng barangay sa Puting Bato sa bayan ng Esperanza.

Dead on the spot ang biktima nang siya ay barilin dakong alas 10:30 ng gabi ng Linggo.

Inaalam pa kung pulitika ang motibo sa pamamaslang.

Read more...