Hosting para sa World Cup 2034 ng FIFA paglalaban-labanan ng mga ASEAN countries

Magsasagawa ng bidding para sa hosting ng Football World Cup o FIFA World Cup ang mga bansa sa Southeast Asia.

Ito ang napagkasunduan sa ginaganap na ASEAN leaders meeting sa Bangkok Thailand.

Noong 2002 huling nag-host ng FIFA World Cup ang ASEAN Countries na Japan at South Korea.

Sa 2022 ay sa Qatar naman ito gaganapin.

Napagkasunduan na sa ASEAN country gawin ang FIFA World Cup 2034.

Inaasahang kabilang sa mga bansa na maglalaban-laban para makuha ang hosting ng FIFA ay ang Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand, Vietnam at Brunei.

Read more...