Yellow alert itinaas sa Luzon Grid

Muling isinailalim sa yellow alert ang Luzon Grid ngayong araw ng Lunes, June 24, 2019.

Ayon sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCOP), mayroong available capacity ng kuryente sa Luzon na 11,964 megawatts.

Habang 11,093 megawatts ang peak demand.

Ang pag-iral ng yellow alert ay mula ala 1:00 hanggang alas 4:00 ng hapon.

Hindi naman magkakaroon ng rotational brownout dahil sa yellow alert.

Read more...