‘Toy Story 4’ kumita ng $118 million sa pagbubukas sa box office

Kumita ng $118 Million ang Disney Pixar movie na Toy Story 4 sa pagbubukas nito sa US ngayong weekend.

Mas nahigitan nito ang kinita ng Toy Story 3 nang magbukas sa mga sinehan sa Amerika, na umabot sa $110 million.

Dahil sa magandang review inaasahan ang mas malaki pang kikitain ng Toy Story 4 sa mga susunod na araw

Sa ngayon ang Toy Story 4 ay nasa pang-apat sa mga animated movies na may pinakamataas na kinita.

Nangunguna ang Incredibles 2 na kumita ng $182 million, ikalawa ang Finding Dory ($135 million at ang Shrek the Third ($121 million).

Read more...