Lightning Red Alert sa NAIA muling nagdulot ng abala sa mga pasahero

FILE Photo
Nagpatupad muli ng suspensyon sa ramp movement sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa naranasang malakas na buhos ng ulan na may pagkulog at pagkidlat sa Metro Manila.

Ayon sa MIAA alas 12:30 ng madaling araw ng Lunes, June 24 ay itinaas ng PAGASA ang Lightning Red Alert.

Kinailangang itigil ang ramp movement ng aircraft at ground personnel para sa kanilangkaligtasan.

Nagdulot ito ng delay sa flight operations sa NAIA.

Humingi naman ng pang-unawa sa mga pasahero ang MIAA.

Ala 1:21 ng madaling araw nang bawiin ang lightning red alert sa NAIA.

Read more...