Stanley Pringle umarangkada sa unang laro para sa Ginebra

PBA Images

Matagumpay ang unang laro ni Stanley Pringle sa Barangay Ginebra matapos magwagi ang Gin Kings kontra NLEX Road Warriors sa 2019 PBA Commissioners Cup, araw ng Linggo sa Batangas City Coliseum.

Nagtapos si Pringle na may 16 points, 8 rebounds, 3 assists at 2 steals para sa 100-36 win pabor sa Ginebra.

Matatandaang ang 32-year-old guard ang ipinalit ng NorthPort noong Martes para kina Sol Mercado, Kevin Ferrer ar Jervy Cruz.

Dalawang beses lamang nakapaglaro si Pringle para sa Batang Pier ngayong conference matapos sumailalim sa surgery para tanggalin ang bone spurs sa kanyang kanang bukung-bukong.

Read more...