Enchong Dee, 1,800 bata nakagawa ng bagong world record

Nakagawa ng kasaysayan ang higit 1,800 kabataan kasama ang aktor na si Enchong Dee matapos masungkit ang Guiness world record para sa “largest swimming lesson in a single venue’’.

Lumahok si Dee sa paglangoy ng mga bata sa isang waterpark sa Clark, Pampanga.

Sa kanyang Instagram post, inanunsyo ng aktor na nasungkit nila ang world record para sa pinakamaraming bilang ng batang sabay-sabay na tinuruan ng basic swimming skills at water safety sa loob ng isang araw.

Sa hiwalay naming post ng Aqua Planet – ang pinagdausan ng swimming event, inanunsyo na umabot sa 1,819 ang kabataang sumali sa swimming lesson sa kanilang waterpark.

Kinumpirma ng Aqua Planet na nalampasan ng swimming lesson ang record na naitala sa Florida, United States na may 1,308 participants noong June 20, 2014.

Gayunpaman, kailangan pa ang opisyal na kumpirmasyon mula sa Guiness World Records kung talagang natalo nga ng Pilipinas ang dating world record.

Magugunitang ang aktor na si Enchong Dee ay bahagi ng Philippine national swimming team na lumahok sa Southeast Asian Games at 2006 Asian Games.

Read more...