Tumama ang magnitude 4 na lindol sa Davao Occidental, Linggo ng gabi.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang lindol sa 71 kilometers Southeast ng Jose Abad Santas bandang 7:58 ng gabi.
May lalim ang lindol na 29 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES