Nahinto kasi sa paglalaro si Ravena simula May 2018 bunsod ng 18-buwang suspensyon na ipinataw ng FIBA dahil sa pagpopositibo sa ilang prohibited substances list ng World Anti-Doping Agency (WADA).
Ayon sa manlalaro, nais lamang niyang makabalik sa court kasama ang kaniyang koponan.
Umaasa ang 25-anyos na manlalaro na makapagdadala ng kampeonato para sa NLEX.
Sa ilalim ng alituntunin ng FIBA, maaring makapag-ensayo si Ravena dalawang buwan bago matapos ang kaniyang ineligibility period.
Opisyal na matatapos ang suspensyon ni Ravena sa August 24, 2019.
Samantala, makakapag-ensayo na rin si Ravena sa Gilas Pilipinas sa araw ng Lunes (June 24).