Sarah Lahbati, Richard Gutierrez nagdiwang ng ika-7 anibersaryo

Photo grab from Sarah Lahbati’s Instagram account

Nagdiwang sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ng kanilang ika-pitong anibersaryo bilang magkarelasyon.

Gamit ang kaniyang Instagram account, ibinahagi ni Sarah ang isang larawan kung saan sweet na sweet sila ni Richard.

Ang nasabing larawan ay kuha sa isa sa mga bakasyon nina Sarah at Richard.

Sumagot naman ang aktor sa larawan at binati rin si Sarah sa kanilang anibersaryo.

Naging engaged ang dalawa sa Switzerland taong 2017 at nagsimulang maghanda sa kanilang kasal nitong buwan ng Hunyo.

Mayroon na silang dalawang anak na sina Zion at Kai.

Read more...