Ayon kay Presidential spokesmn Salvador Panelo, naselyuhan ang kasunduan matapos ang bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Indonesian President Joko Widodo sa ASEAN Summit sa Bangkok, Thailand.
Ayon kay Panelo, ang kasunduan ay patunay na malakas at matatag ang relasyon ng dalawang bansa na ngayon ay nagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng formal diplomatic at bilateral relations.
Dagdag ni Panelo, ang naturang kasunduan ay magiging instrumentong legal para matugunan ang maritime concern at maayos ang sea disputes nang naayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).