Mga bansa sa Southeast Asia, nanumpa ng pakikipaglaban sa basura sa karagatan
By: Clarize Austria
- 6 years ago
Nangako ang mga bansa sa Southeast Asia sa na makikipaglaban sa basurang plastik sa karagatan sa isang joint declaration summit na ginanap sa Bangkok, Thailang noong June 22.Ang Bangkok Declaration on Combating Marine Debris sa ASEAN Region ay nilahukan ng 10 miyembro ng sa mga bansa sa kanlurang-silangan ng Asaya kabilang na ang Top 4 polluters sa buong daigdig.Kabilang dito ang Indonesia, Pilipinas, Vietnam, Thailand, at China na pinakamalaking nagtatapon ng basurang plastik sa mga dagat ayon sa ulat ng Environmental Campaigner Ocean Conservatory noong 2015.Pinuri naman ng mga environmentalists ang naturang hakbang at sinabing isa itong magandang aksyon para sa naturang rehiyon kahit pa may pag aalinlangan sila sa implementasyon nito.Wala namang nabanggit na ban na partikikar na hinihingi ng mga enrionmentalists gaya ng pagbabawal sa single use of plastics o pag-iimport ng basura. Kasunod ang declaration na ito ng G-20 summit na gaganapin sa Japan kung saan 20 major economies ang mag-uusap patungkol sa usapin sa plastic pollution.