“Lightning arrester” maaaring gamitin para mas maging ligtas ang NAIA—Ex Manager

Iminungkahi ng dating pinuno Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na maglagay ng ‘lightning arresters’ sa nasabing paliparan.

Ayon ito kay dating NAIA airport general manager Ed Manda, kasunod ng mga napapadalas na nararanasang mga pagkidlat.

Ang lightning arrester ay isang aparato na idinisenyo upang protektahan ang mga sistema sa paliparan kabilang na ang mga pasilidad mula sa narasisirang epekto ng pagkidlat.

Kapag nakataas ang lighting alert, napipilitan ang pamunuan ng mga paliparan na itigil muna ang operasyon dahil sa malaking banta ng panganib.

Paliwang ni Manda, noong termino niya ay nasa proseso na ang paliparan ng paglalagay ng mga naturang device ngunit naantala dahil isyu sa privatization ng NAIA Terminal 3.

Hindi rin aniya prioridad ang pagbili sa mga ito noong siya pa ang nakaupo sapagkat hindi pa madalas ang pagkidlat noon.

Ibinida rin ng dating manager na ginagamit ng halos lahat ng paliparan sa buong mundo ang mga lightning arresters sa kani-kanilang mga pasilidad.

Read more...