Salam Compound sa Quezon City, pitong araw nang walang tubig

Nagtitiis ang mga nakatira sa Salam Compound sa Barangay Culiat, Quezon City dahil sa pitong araw nang walang tubig sa lugar.

Ayon sa kanilang tribal leader, may mga abiso ng magkakaroon sila ng tubig tuwing alas 5:00 ng madaling araw hanggang ala 1:00 ng hapon ngunit walang tubig na dumarating.

Ang mga katabing barangay naman ay may tubig, kung kaya’y nararamdam sila na mayroong diskriminasyon na pagrarasyon.

Kaya alas 3:00 pa lang ng madaling araw ay pumila na ang mga residente nang dumating ang trakng bumbero may dalanng suplay ng tubig.

Samantala, tumulong na ang Bureau of Fire Protection (BFP) Project 6 na mag dala ng tubig sa nasabing lugar.

Read more...