Philadelphia Energy Solutions Refining Complex, nasunog

Nagkaroon ng pasabog at sunong sa Philadelphia Energy Solutions Refining Complex noong June 21.

Limang manggawa ang sugatan at agad namang nabigyan ng lunas.

Sinabi ng taga pagsalita ng pasilidad na si Cherice Corley, nagsimula ang sunog bandang alas-4:00 ng umaga.

Pagakalipas ng bente ng minutos nagkaroon nang malaking pagsabog.

Kwento pa ni Corley, ramdam hanggang sa malayong lugar ng tatlong beses na pagsabong at ang apoy ay papunta sa mga tubo na nagdadala ng fuel papuntang katapat na complex.

Samantala, sabi naman ni Craig Murphy, Deputy Fire Commissioner, nagsimula sa isang tanke na may lamang pinaghalong butane at propane.

Ang nasabing refining complex ay 150 taong gulang na at nakakagawa ng 335,000 barrels ng crude oil araw-araw.

Dito rin pinoproseso ang krudo para maging gasolina, jet fuel, propane, home heating oil at iba pang mga produkto.

Napag-alaman na dalawang beses na nagyari ang insedente ngayong buwan ngunit walang nailut na mga nasaktan o sugatan noong unag pag sabog nito.

Read more...