TNT coach Ravena, inaming nahirapan talunin ang Columbian Dyip

Inamin ng Talk n’ Text coach na ni Bong Ravena na nahirapan silang talunin ang kopunan ng Columbian Dyip sa ginawang PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome, Pasay noong June 22.

Nanalo ang TNT sa naganap na laro sa iskor na 109-102.

Nagpakita naman ng magandang performance sa nasabing laro ang dalawa niyang player na sina Terrence Jones at Jayson Castro.

Si Jones ay nagtala ng 29 points, 17 rebounds, 7 blocks, at 6 assists.

Samantala, nakatulong naman ang mga puntos na nagawa ni Castro kung saan nagtala ito ng 22 points, 6 assists , at 2 steals.

Tinapos ng dalawa ang fourth quarter para makuha nila ang ika-pitong panalo sa walong laro.

Sabi ni Ravena, bata pa si na Castro at Jones kaya alam niya na magiging malakas ang mga ito sa loob ng basketball court.

Pinapasalamatan naman aniya ang kopunan ng Columbian Dyip na pinahirapan sila dahil mas nagingdeterminado silang talon ang team ng Columbian Dyip.

Read more...