Paghirang kay Eddie Garcia bilang National Artist, suportado ni Coco Martin

Sinang-ayunan ni Coco Martin na gawing National Artist ang batikang aktor na si Eddie “Manoy” Garcia.

Sinabi ito ng aktor matapos magpahayag ang Party-List Coalition na plano nila isulong na gawing National Artist ang pumanaw na batikang aktor.

Ayon kay Coco, hindi maitatangi ang malaking naiambag ni Manoy sa telebisyon at industriya ng Pelikulang Pilipino.

Aniya isang napakagaling at award winning na aktor at direktor si garcia.

Hindi rin matatwaran ang husay nito sa pag-arte kung kaya’t ikinokonsidera siyang isa sa mga haligi ng industriya.

Dagdag pa ni Coco, malaking kawala sa industriya ng entertainment ang pagpanaw ng beteranong aktor.

Read more...