Pangulong Duterte sinisi ang mga botante sa political dynasties

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga political dynasties ay hindi nakakabubuti sa bansa ngunit kasalanan umano ito ng mga bontane na naghahalal sa mga magkakamag-anak na kadidato.

Sa talumpati ng Pangulo sa oath-taking ceremony ng kaniyang anak na si Sebastian “Baste” Duterte, nakakahiya umano na pauli-ulit na sinasabi ng mga tao ang political dynasties.

Aniya, totoong hindi maganda para sa bansa na nasa iisang pamilya ang kapangyarihan sa mahabang panahon.

Sa kabila ito ng pagkakaluklok ng kaniyang dalawang anak na si Baste at Sara “Inday” Duterte bilang kongresista at alkalde sa Davao City.

Paliwanag naman ni Duterte nang magdesisyon na hindi na siya tatakbo, ang mga lider mismo sa Davao City at mga kaalyado ang nagpumilit na palitan siya ng anak na si Sara.

Ganitong sitwasyon rin aniya ang nangyari kay Baste.

Ayon pa sa Pangulo, kahit nahihiya siya na tatlo sa kaniyang mga anak ay nasa pwesto, hindi niya mapipigilan ang mga ito kung gustong tumakbo bilang presidente.

Sinabi na rin ng pangulo sa kaniyang anak na babae na kung magdesisyon ang Hugpong ng Pagababago (HNP) na ibigay ang kandidatura sa ibang tao ay dapat siyang sumunod.

Na kay Sara pa rin aniya ang magiging huling desisyon kung tatakbo para sa posisyon.

Hindi naman umano hinihikayat ni Pangulong Duterte ang kaniyang anak na tumakbo sa pagkapresidente sa darating na 2022 elections.

Read more...