Ito ay kung aatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DOJ na tumulong sa gagawing joint investigation ng pilipinas at China kaugnay sa insidente sa Recto Bank.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni DOJ Spokesman Undersecretary Mark Perete na nghihintay pa ang kanilang hanay ng dikretiba mula sa Malakanyang kung sila ang magiging lead investigator.
Sapat aniya ang bilang ng mga abogado ng DOJ na eksperto sa international law.
Maari aniyang sundin ang modelo ng International Maritime Orgnazation (IMO) para sa pagtatakda ng mga regulasyon o panuntunan sa joint investigation.
Ayon kay Perete kung hindi man masusunod ang regulations sa IMO, maari namang magtakda ang Pilipinas at China ng sariling mga panuntunan.
Pagtitiyak ni Perete, magiging patas ang gagawing joint investigation.
Sa ngayon, naghihintay aniya ang DOJ ng formal communication mula sa China at Palasyo ng Malakanyang.