Maliban sa pagkahilo, ang ilan sa mga residente na dinala sa Valenzuela Medical Center ay dumaing ng hirap sa paghinga, paninikip ng dibdib at pag-ubo makaraang malanghap ang kemikal na ginamit para sa pagpapausok.
Kabilang sa mga biktima ang tatlong bata na edad 3, 7 at 11. Mayroon ding isang buntis na kasamang dinala sa Ospital.
Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, ilan sa mga batang dumaing ng hirap sa paghinga ay may sakit na hika. Inatake umano sila ng kanilang asthma nang malanghap ang usok.
Ang fogging operations ay bahagi ng anti-dengue campaign ng lokal na pamahalaan lalo ngayong panahon na ng tag-ulan at inaasahan ang pagdami ng kaso ng sakit.
Inumpisahan ang fogging operations sa Barangay Karuhatan alas 6:00 ng umaga. Habang nagsasagawa ng fogging agad nahilo ang ilang residente at nahirapang huminga./ Jan Escosio