3 patay, 11 sugatan sa aksidente sa Camiguin

Nasawi ang tatlong call center agents at 11 ang sugatan matapos maaksidente ang sinasakyang van sa Camiguin kahapon, June 22.

Ayon kay Lieutenant Coronel Roy Bahain, hepe ng Camiguin Police, nawalan ng preno ang puting Toyota Hi-Ace van alas 4:45 ng hapon sa Sition Quipasa, Barangay Polacation sa nasabing probinsya.

Dahil sa lakas ng pagsalpok ng sasakyan, dead on the spot ang tatlo.

Ang sampu sa mga sakay ay nagtamo ng serious injuries habang minor injuries naman ang nakuha ng driver ng van na si Joy Sobremisana.

Agad dinala ang mga biktima sa ospital ng mga rumpespondeng pulisya ng Mambajao.

Sinabi naman ni Captain Arnold Gaabucayan, hepe ng Mambajao Police, halos lahat ng pasahero emplayado ng IBEX Global Davao na nagpunta sa Camiguin para sa team building.

Ang ibang mga kasama ay kaanak call center agents na kasama sa insidente.

Dumating ang grupo ng Sabado ng umaga at naglibot muna bago magpunt sa Saay cold spring.

Dagdag ni Gaabucayan, walang kasamang tour guide ang mga ito at planong magpunta sa White Island ngunit dahil hapon na ay nagdesisyong magpunta sa Saay.

Papunta umano sa bayan ang mga biktima nang pumalya ang preno at maaksidente ito.

Read more...