Nakatanggap ng regalong scarf si Kris Aquino mula kay Thai Prime Minister Prayut Chan-o-cha at asawa nitong si Naraporn Chan-o-cha.
Sa kanyang Instagram stories ay ibinahagi ni Kris ang larawan ng regalo sa kanya ng Thai PM na isang light blue na scarf.
Sa kanyang caption ay sinabi ng actress-host an umaasa siyang makakapunta sa Koh Samui o Phuket para sa isang wellness retreat.
Nakilala ni Kris ang Thai First Lady noong 2015 sa termino ng kanyang kuya na si dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ang magkakapatid na Aquino ang nag-host sa mga asawa ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa tour sa Intramuros at sa isang luncheon.
Una nang sinabi ni Kris na mag out of town ito para simulang palakasin ang kanyang resistensya.
Bukas si Kris sa kanyang sakit at noong Enero ay sinabi nito na mayroon siyang isang uri ng lupus.
Nagpahinga naman si Kris sa social media para mag-focus sa kanyang pagpapagaling at sa mga anak na sina Joshua at Bimby.