Pinakamalaking oil refinery sa US sumabog at nasunog

AP photo

Nagkaroon ng pag-sabog at sumiklab ang sunog sa pinakamalaking oil refinery sa East Coast.

Ayon sa otoridad, naitala ang ilang minor injuries at ligtas naman na malanghap ang hangin sa lugar.

Contained at kontrolado na ang sunog sa Philadelphia Energy Solutions Refining Complex pero patuloy ang apoy ayon kay Craig Murphy, deputy fire commissioner.

Pagsiklab ng sunog ay naganap ang pagsabog makalipas ang 20 minuto.

Limang refinery workers ang ginamot dahil nagtamo ng minor injuries.

Ayon sa otoridad, nangyari ang sunog sa tangke na malapit sa mga kemikal.

Ang 150-taong refinery complex ay nagpoproseso ng libo libong bariles ng langis kada araw.

Ang krudo ay ginagawa ng refinery na gasolina, jet fuel, propane, home heating oil at iba pang produkto.

 

Read more...