4 na menor de edad nasagip sa Quezon City

File photo

Nasagip ng mga otoridad ang walong babae sa isang videoke bar matapos ang isinagawang raid bandang ala-1:00 Linggo ng madaling araw sa Quezon City.

Apat sa mga babae ay mga menor de edad at apat naman ay nasa hustong gulang na.

Ayon sa 14-anyos na dalagita, napilitan siyang magtrabaho sa nasabing videoke bar dahil pantustos niya sa pag-aaral at pambayad sa ospital ng kanyang kapatid.

Sinabi ng may-ari ng bar na hindi niya alam na mga menor de edad ang mga babae na nagta-trabaho sa kanyang bar.

Ang alam niya aniya ay nasa 19-anyos na ang mga babae na bago palang sa kanyang bar at hiningan daw niya ang mga ito ng birth cetificate.

Pero itinangi niya na tumatangap ng mga VIP customer ang mga menor de edad na babae.

Dinala naman ang apat na mga menor de edad sa Department of Welfare and Social Development (DSWD) at ang iba pang apat na babae ay dinala naman sa PNP Women and Children Protection Desk.

 

Read more...